Marcos, inatasan ang DA na makipag-ugnayan sa Customs at Kongreso vs agricultural smuggling

Inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga Agriculture officials na akipag-ugnayan sa Bureau of Customs at sa legislative branch, para mapigilan ang vegetable smuggling at ilegal na importation ng iba pang agricultural products.

Ayon kay Marcos, kailangan nila ng immediate plan para matiyak na makakarating ang food supply at abot-kaya ang mga presyo ng pagkain para sa mga ordinaryong Pilipino.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Una namang sinabi ni Customs spokesperson Vincent Philip Maronilla, na nagpadala ang kanilang ahensya at ang DA ng mga personnel sa wet markets para tingnan at iberipika ang mga ilegal na imported agricultural products.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Mababatid na simula noong 2016, naghain ang BOC ng 103 criminal complaints laban sa mga importers at brokers dahil sa ilegal na pag-ship ng agricultural products sa Pilipinas, habang nakumpiska rin ng gobyerno ang nasa P1.99 billion na halaga ng smuggled agricultural goods simula noong 2019.