Dagdag na heavy equipment, dumating na para sa road rehabilitation sa landslide area sa Balatan, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Pahirapan pa rin ang pagdaan sa Barangay Cabanbanan, Balatan Camarines Sur matapos ang landslide dahil sa Bagyong Kristine, pero ayon sa LGU dumating na ang mga dagdag na equipment at inasahang mapapabilis na ang rehabilitasyon nito.

Kailangan ng bumaba sa bundok ng mga residente at muling umakyat sa kabila upang makatawid. Patuloy pa kasi ang pag-alis ng lupa na humarang sa mismong kalsada.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Ayon kay Councilor Robert Saysay, tininggan ng mga opisyal ang landslide area kasama ang Department of Public Works and Highways para sa rehabilitasyon ng nasirang kalsada ng Nabua- Balatan road.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Isa hanggang dalawang linggo pa ang inasahan ng LGU na matatapos ang patrabaho, dumating na rin ang agdag na ekipahe mula sa Ako Bicol pero titinggan aniya ng DPWH kung kaya na itong tapusin hanggang sa Biyernes, Nobyembre 8, ngunit i-aassess pa rin bago padaanan upang masiguro na ligtas na ang lugar.