Search and rescue team ng Camarines Sur PPO,  on standby pa rin sa Albay response

CAMARINES SUR- Mabagal ang pagdaloy ng lava na may haba na 2 KM  sa Mi-isi Gully at 1.8KM sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 KM mula sa crater ng Bulkang Mayon noong Sabado , Hunyo 24, 2023 base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Gayunpaman, hindi napapatid ang monitoring ng mga ahensya dahil nanatili sa Alert Level 3 ang nasabing Bulkan. Tuloy –tuloy naman ang asistensya sa mga evacuees maging ang PNP Region 5 ay may mga interventions.

Ang search and rescue team ng Camarines Sur Police Provincial Office ay nanatiling on standby. Ayon kay PCAPT Mark Spaña, Deputy Chief of Police ng Sagñay PNP na siyang team leader, on call sila, naghihintay lamang ng tawag mula sa Regional Office 5 tulad ng pagresponde nila noon sa Cessna plane.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors