Seaman, inireklamo ng pagpapaputok at panunutok ng baril sa kanyang misis

ROXAS CITY – Inireklamo ng isang misis sa pulis ang kanyang mister na umano’y nagpaputok at nanutok ng baril sa kanya nitong Pebrero 23 ng gabi sa Brgy. Lanot Roxas City.

Sa report sa Roxas City PNP ng misis na isang guro, habang hinahawakan ng kanyang mister ang holster ng kanyang baril ay bigla umano siyang sinampal dahilan para masugatan ang kanyang mukha at kilay.

Nagpaputok pa umano ito ng dalawang beses gamit ang .45 calibre na baril at itinutok pa sa kanya.

Agad namang rumesponde ang Roxas City PNP at Special Weapons and Tactics (SWAT) team at inaresto ang seaman.

Posible namang maharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal possession of firearms and ammunition at Comelec Gunban.

Habang ini-refer naman ang insidente sa Violence Against Women & their children (VAWC) section ng Roxas City PNP para sa kaukulang kaso sa suspek. / ANN DESLENE SALAZAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *