School supplies establishment na na-inspeksyon sa Naga City, compliant sa SRP

NAGA CITY – Majority sa walong bookstore o school supplies establishment na ininspeksyon kahapon sa Naga City ay mga compliant sa Suggested Retail Price (SRP) ng Department of Trade and Industry.

Ang ilan nga sa kanila ay mababa pa sa SRP na ibinigay ng DTI, tulad ng notebook na P23.00 na P22.00 lamang depende pa sa klase. Sa pad paper ang SRP P21.00 , P18.00 hanggang P20.00 lamang nabibili.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ito ang napag-alaman kay City Councilor Jess Albeus, Chairman ng Committee on Consumer Protection matapos ang inspeksyon kasama ang DTI Cam. Sur, City Treasury Office at Public Safety Officer.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Layon ng inspeksyon na masiguro na nasa tamang presyo o SRP ang mga school supplies sa lungsod upang walang maabusong mamimili lalo na ngayon na malapit na ang pasukan.