School-based immunization activities ng DOH-Bicol, aarangkada nang muli

BNFM BICOL – Kasabay ng pormal na pagbubukas ng panibagong school year, aarangkada nang muli ang school-based immunization ng Department of Health-Bicol kontra measles, rubella, at tetanus-diphtheria.

Ayon kay Dr. Desiree Bricenio, immunization program coordinator ng DOH-Bicol, tatakbo sa loob ng dalawang buwan ang bakunahan kung saan target ang nasa 150,000 na mga mag aaral sa Grades 1, 4, at 7 sa ibat ibang mga pampubliko at pampribadong eskwelahan sa rehiyon.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Ang mga nasa Grade 1 at 7 ay tatanggap ng bakuna kontra measles-rubella at tetanus-diptheria, habang ang mga babaeng mag aaral sa Grade 4 ay tatanggap naman ng bakuna kontra human papillomavirus (HPV).

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Muli namang binigyang-diin ng ahensya na ito ay libre, ligtas at epektibo sa pagbibigay ng dagdag na proteksyon sa mga kabataan laban sa mga nabanggit na vaccine-preventable diseases. ###