KORONADAL CITY – KAHIT nagpapatuloy at maraming puno ng kahoy at fruit trees ang itinanim noong nagdaang Tree Growing Festival 2024 sa Koronadal, hindi umano maiiwasan na may mga tanim na hindi makaka-survived dahil sa pabago-bagong takbo ng panahon.
Ito ang inihayag ni Allan De Lima ng CENRO kung saan madalas sa mga tinaniman ay madadaanan ng tubig-baha na hindi tumatagal ang mga seedlings.
Kaugnay nito, kanila inanim na kinakain ng mga hayop na nasa lugar ang mga seedlings ng puno ng kahoy.
Samantala, humihiling ngayon ang City ENRO sa publiko lalo na sa mga tao sa kabundukan na ingatan at kung maaari bantayan ang naturang mga seedlings upang mas maparami at lalaki ang mga ito na makatutulong sa susunod na mga panahon.
