Target ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na magsagawa ng briefing sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa peke o “ghost receipts” scam, na sinasabing dahilan na malugi ng bilyon-bilyong kita ang national government.
Paliwanag ni Salceda, na ang updates sa briefing ay magiging public, gaya umano ng usual committee briefing.
Ayon sa chairman ng House Committee on Ways and Means, na aalamin din nila sa BIR ang kanilang mga hakbang na ginagawa para mapigilan ang naturang scam.
Paglilinaw pa ng mambabatas na ang naturang hakbang ay hindi inquiry o investigation in aid of legislation, kundi paraan ng tax panel na makipagtulungan sa ahensya kaugnay sa naturang isyu.
Una nito, naghain ang BIR sa Department of Justice (DOJ) ng tax evasion charges na nagkakahalaga sa P18 billion laban sa mga corporate officers, accounting firms, at certified public accountants (CPA) ng tatlong mga kompaniya na umano’y bumubili at gumagamit ng mga pekeng resibo.
