Magsusuot si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng dalawang barong na denesenyo ng fashion designer na si Pepito Albert, sa kanyang inagurasyon ngayong araw.
Ayon kay incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles, na isusuot ni Marcos Jr. ang modern barong sa morning activities na inspired ng rayadillo, kung saan ito ang traditional military uniform noong Spanish era.
Sa evening activities, isusuot ni Marcos Jr. ang “fully-embroidered barong from Taal.”
Samantala, isusuot rin ni incoming First Lady Liza Marcos ang desenyo ni Albert na terno mula sa vintage piña fabric.

Pagbubunyag ni Cruz-Angeles, na ang multi-awarded designer angnagdesenyo rin sa mga barong para sa tatlong mga anak ni Marcos Jr. nanay nitong si dating First Lady Imelda, at kapatid na si Irene Marcos-Araneta.
Kaugnay nito, ang isusuot rin na sapatos ng president-elect at ng asawa nito ay Philippine-made shoes. //MHEL PACIA