SC, nagsuspinde ng trabaho sa loob ng 3 araw

Nagsuspinde ng trabaho ang Korte Suprema sa loob ng tatlong araw o mula January 3-5, matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga tauhan nito.

Sa ilalim ng Memoradum Order (MO) No. 2-2022 na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ay sinabi na ang work suspension ay para sa pagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga tauhan ng korte at disinfection.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kaugnay nito ay naiulat ng Medical at Dental Services (MDS) ng kataas-taasang hukuman na marami sa mga empleyado nito ay nagpositibo sa COVID-19 base sa testing na kanilang ginawa mula noong Lunes, December 27.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Samantala, nabanggit rin sa MO na magpapatuloy ang naka-schedule na En Banc session at booster vaccination ng Korte Suprema sa Lunes.