DTI, sinimulan na ang paglalabas ng P8,000 na ayuda para sa MSMEs ng Siargao

Sinimulan na ng Department of Trade and Industry ang roll out ng ayuda sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Siargao Island na tinamaan ng Bagyong Odette.

Ayon sa DTI, nagbigay ito ng P8,000 gift cards sa  mga MSMEs sa Siargao.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Tinatayang nasa 3,000 mga negosyo ang naapektuhan ng Odette, kabilang na ang 300 na nakakuha sa nasabing ayuda.

Maari naman tumawag kay Olimar Sulapas ng DTI, na may numero na 0909 632 9627 ang iba pang MSMEs na nangangailangan ng tulong.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Kailangan lamang nila na magpresenta ng DTI permit, o ng kahit alin sa dalawa kabilang na ang Mayor’s Permit o Barangay Business Permit.