Pinansyal na ayuda sa Odette victims ng DSWD, umabot sa mahigit P293-million

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Develoment na mula P130-million ay nasa mahigit P293-million na ang pinansyal na ayuda na naibigay sa mga komunidad na tinamaan ng Bagyong Odette.

Sa ulat ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center na naipamahagi ang mahigit P293-million na ayuda sa local government units, non-government organizations, at iba pa.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Mababatid na kabilang sa mga lugar na naapektuhan ng Odette ay ang MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ay pumalo na sa 407 ang napaulat na patay mula sa Odette kabilang na ang 75 na kumpirmado at 332 na for validation.