SBMA Tourism umaasang mas dadami na ngayon ang mga turista sa pagpasok ng summer

Inaasahan na ng Tourism Office ng Subic Bay Metropolitan Authority ang pagdagsa ngayon ng mga turista sa Freeport.

Ito ay dahil sa maliban sa pagluwag ng restriksyon kung saan nasa Alert Level 1 na ang SBFZ ay summer season na at malapit na rin ang holy week.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay SBMA Tourism Manager Jem Camba, malapit ang Subic Bay sa Metro Manila kaya karamihan sa mga bumibisita ay domestic tourist.

Bihira umano ang foreign tourist maliban na lamang noong 2018 na wala pang pandemya ay may mga cruise ship ang dumaong sakay ang libo-libong turista.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ngayon dahil sa bumaba na ang kaso ng corona virus disease umaasa ang opisina na dadagsa muli ang mga turista na makakatulong maging sa mga stakeholders ng SBMA tulad ng mga hotel at accommodation stablishments.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Fight the RISK OF Hert Disease! Power Cells Tuldukan HERBAL CAPSULE ang Sakit! PowerCells Power Cells SHOP NOW!'