SBMA CHAD Paulino balik muna sa trabaho

Balik muna sa kanyang trabaho bilang Chairman & Administrator si Subic Bay Metropolitan Authority CHAD Rolen Paulino Sr.

Ito ay habang hinihintay pa umano ang pormal na kautusan o dokumento kung mapapalitan ang kasalukuyang administrasyon sa Freeport.

Read More:  178 sacks of moldy rice disposed of in Bantayan, Cebu

Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay naghain na ng kanyang courtesy resignation si Paulino para umano magbigay daan sa Pangulo na makapili ito ng nais nitong mamuno sa SBMA.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Ayon kay CHAD Paulino, kahapon ay bumalik siya at habang wala pang kautusan ay tuloy-tuloy pa ang kanyang trabaho.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO