SBMA, bibili ng mga bus para may masakyan ng libre ang mga manggagawa ng Freeport at mga locators

Bibili ng walong E-buses ang Subic Bay Metropolitan Authority ngayong last quarter ng 2023 o unang quarter ng susunod na taon.

Ito ay para magkaroon ng libreng sakayan ang mga mangagawa sa loob ng Freeport.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ayon kay Sbma Chairman Administrator Jonathan Tan, 8:30 pa lang ng gabi ay obligado nang magsara ang mga business establishments dahil wala nang masasakyan ang mga workers pauwi paglagpas ng alas nuebe ng gabi.

Dahil dito, maglalagay ng mga bus terminal sa mga piling lugar at bus stops naman sa central business areas para maisakay ng walang bayad ang mga manggagawa maging sa pagpasok ng mga ito mula sa mga gate ng Freeport.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan