Bangkay ng isang lalaki natagpuang palutang- lutang sa karagatang sakop ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Natagpuang palutang- lutang ang wala nang buhay na katawan ng isang lalaki sa karagatang sakop ng Barangay 6, Mercedes, Camarines Norte Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Noeh Dacillo 28 anyos, binata at residente ng Purok-3 Barangay Alawihao dito sa Daet.

Batay sa Police report nadiskubre ng isang residente sa lugar ang katawan ng biktima na hinihinalang nalunod.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dinala pa ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital ng barangay emergency responders pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Agad namang nakipag ugnayan ang pamunuan ng Mercedes Municipal Police Station sa Philippine Coast Guard para sa kaukulang imbestigasyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nataon namang nagsasagawa ng prusisyon sa dagat o Karakol sa naturang bayan nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Una nang sinabi ng Coast Guard na walang kaugnayan sa Karakol ang insidente ng pagkakalunod.

Dinala ang bangkay ng biktima sa isang punerarya dito sa Daet.