SBIA nakahanda na sa pagtanggap ng mga OFWs

Nakahanda na ang Subic Bay International Airport sa pagtanggap ng mga returning Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng Philippine Airlines.

Ito ay base na rin sa programa ng national government para makauwi ang mga Pilipino na nasa ibang bansa ngayong may pandemya.

Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, ngayong buwan ng Hulyo ay nasa anim na flights ang inaasahang lalapag sa airport kung saan nasa 1,500 na pasahero kada araw ang papayagan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Pagdating sa airport, dadaan sa proseso ang mga ito mula sa Bureau of Immigration, Bureau of Customs at Bureau of Quarantine naman para sumailalim sa swab test.

Pagkatapos ay mananatili sa mga hotel sa SBFZ na accredited o pinayagan ng Department of Tourism para sa sampong araw na quarantine.

Nitong araw ng Lunes ay dapat may lalapag na PAL sa SBIA mula sa Dammam, Saudi Arabia na may sakay na 309 OFWs, dalawang seaman at isang ROF pero dahil sa wind factor ay kinailangan nitong magdivert ng flight sa Diosdado Macapagal International Airport sa Clark.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Gayunpaman, ang mga sakay nito ay sa mga accredited hotel pa rin sa SBFZ sasailalim sa quarantine period.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of 1 person and text