SB19 at BINI tampok sa Billboard K Power 100 sa Seoul, South Korea

Ibinida ng King of P-Pop SB19 at Nation’s Girl Group na BINI ang talento ng Pinoy sa international stage.

Ang dalawang grupo ay nag-performer sa event na ginanap sa Yeong Bin Gwan Hall of The Shilla Seoul sa Korea.

Nagdala ng init sa mga audience ang op hit na “Gento” ng SB19 at pinasayaw ng BINI ang mga manonood gamit ang kanilang chart-topper na “Cherry on Top.”

Nakatanggap naman ng espesyal na parangal bilang Voices of Asia ang dalawang grupo dahil sa kanilang kontribusyon sa musikang Pilipino.