SB Basud naghain ng resolusyong nagrerekomenda sa Provincial Government na maging national road ang ilang road sections

CAMARINES NORTE – Naghain ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte na nag eendorso sa Provincial Government sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan na i-convert ang ilang road section na maging national road.

Kasunod yan ng kahilingan ng Department of Public Works and Highways kamakailan na magpasa ng resolusyon bilang isa sa mga requirements sa road conversion.

Kabilang sa mga road section na inindorso para maging national road ay ang Angas- Manguisoc Road, Mampurog, San Lorenzo Ruiz, San Felipe Basud Road, Pinagwarasan- Oliva-Caayunan Road na batay sa initial findings ay may habang nasa mahigit 24 na kilmetro.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maari pa itong magbago depende sa magiging final inventory at data gathering.

Ang Angas-Manguisoc Road, Mapurog, San Lorenzo Ruiz to San Felipe, Basud Road at Pinagwarasan-Oliva- Caayunan roads ay kasalukuyang ikinukunsidera nang Provincial Road.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa resolusyon dahil sa paglago ng populasyon at tumataas na pangangailangan ng nabanggit na mga bayan ay kailangan na umanong  palawakin ang national road para maghatid ng progseso lalo na sa mga malalayong lugar.

Sa sandaling ma-convert na sa national road ang mga nabanggit na road sections ay ang DPWH na ang magmi-maintain nito na malaking tulong naman sa LGU na ituon ang kanilang pondo sa ibang mga programa at serbisyo sa kanilang constituents.