SB- Basud magpapasa ng resolusyong nagpapahayag ng pakikidalamhati sa mga naulila ni Congw. Toots Panotes

CAMARINES NORTE- Magpapasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Basud na nagpapahayag ng pakikidalamhati sa mga naulila ni Camarines Norte 2nd District Congresswoman Marisol “Toots” Panotes.

Sa isinagawang regular na sesyon ng konseho noong Lunes, iminungkahi ng isang miyembro nito na magpasa ng resolusyon on mass motion.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ito ay bilang pagpapahayag na rin umano ng pasasalamat sa namayapang kongresista ng ikalawang Distrito sa lahat ng mga naitulong at development na nadala nito sa bayan ng Basud.

Matatandaan na pumanaw ang kongresista noong nakatalikod na linggo ilang araw bago ang halalan.

Pinalitan si Congw. Toots ng kaniyang anak na si Rosemarie bilang kandidato ng PDP –Laban sa pagka- kongresista ng ikalawang distrito.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ito raw kasi ang bilin ng namayapang mambabatas bagay na sinang ayunan naman ng partido.

Kahapon ay nagtungo na sa Comelec Provincial Office si Rosemarie upang maghain ng Certificate of Candidacy bilang kahaliling kandidato ng namayapang ina.