Simbahang katolika sa Camarines Norte hinimok ang bawat isa na labanan ang anumang makakasira sa Eleksyon

CAMARINES NORTE- Hinimok ng simbahang katolika sa lalawigan ng Camarines Norte ang bawat isa na labanan ang anumang makakasira sa Eleksyon

Sa ipinalabas na Pastoral letter ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na may petsang Mayo 3, 2022 at isinapubliko nitong Miyerkules, hinimok nito ang lahat na magmasid, magbantay at magtulungang hadlangan ang anumang pagnanais o pagkilos para sirain at guluhin ang mapayapa at matagumpay na halalan.

Makonsensya rin daw sana ang mga gumagawa ng masama.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nanawagan si Alarcon sa mga Parokya, Religious Organizations, Associations and Movements at mga Ministry, Schools at Youth Groups gayundin sa mga indibidwal na mag- nobena para sa intensyon ng halalan.

Hiniling nito sa mga katoliko na mag alay ng dasal tulad ng pagsisimba, pagrorosaryo, pagdedebosyon sa mga Santo, Holy Hour, pagbisita sa Blessed Sacrament o iba pang gawaing pang espiritwal sa loob ng siyam na araw mula ngayong Huwebes, Mayo 5 hanggang Mayo 13.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa araw naman ng Halalan sa Mayo 9 ay magkakaroon ng Holy Hour sa mga parokya at religious houses para sa mapayapa at matagumpay na eleksyon.

Nanawagan din ang Obispo sa mga botante na lumabas at bomoto sa Mayo 9 at piliin ang mga karapat- dapat na manungkulan.

Mahalaga rin umano na pakaisipin ang kahihinatnan sa ating mga iboboto.