Sasakyang pandagat, maaari nang maglayag – PCG

Pinahintulutan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na pumalaot ang mga sasakyang pandagat.

Ito’y matapos na maglabas ng weather bulletin update ang PAGASA na inaalis na ang TCWS Signal No. 1 sa lalawigan ng Sorsogon at ang Gale warning ng DOST PAGASA.

Sa pahayag sa Brigada News FM ng Phil. Coast Guard Matnog,  pinayagan nang bumiyahe ang mga stranded na pasahero at mga sasakyan matapos na magpalabas ng panibagong Sea Travel Advisory ang Coast Guard Sorsogon dakong alas 11:00 ng umaga, Disyembre 17.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang biyahe ay magpapatuloy pag nagkaroon na ng sasakyang pandagat na magmumula sa Northern Samar at sheltering areas habang ang biyahe naman papuntang Bogo City, Cebu ay suspendido pa rin.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, nananatiling suspendido din ang biyahe sa Bulan at Pilar Port papuntang Masbate, Ticao at Burias Islands.

Lahat ng sea vessels na may bigat na 250 tonelada pababa ay pinapayuhan na huwag munang makipagsapalaran sa laot habang ang mga malalaking sasakyang pandagat ay inaalerto sa malalaking alon.