DOH Bicol nanawagan sa mga unvaccinated individuals na magpabakuna na

LEGAZPI CITY – May mga Bicolano hanggang sa ngayon ay mayroong agam-agam sa sarili na magpabakuna dahil sa maling impormasyon ukol sa mga bakuna.

Ayon kay Kenn Nuyda, Nurse 5 ng DOH Bicol, huwag ng magdalawang isip na magpabakuna at kailangan ng hikayatin ang sarili na mabigyan ng bakuna upang maproteksyonan laban kontra sa Covid-19.

Aniya, kahit bakunado ay magkakaroon pa rin ng sakit Coronavirus Disease (COVID) 19 dahil sa mga nakasalamuha ng mga tao or pinupuntahan na mga matataong lugar.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tiniyak din naman nito kung magkaroon man na sakit na COVID 19 ang isang bakunado ay hindi na nito mararanasan ang severe or kritikal laban sa nasabing sakit.

Dagdag pa nito, mas hinikayat rin ng ahensya sa bawat lalabas ng tahanan ay magdala palagi ng alcohol o hand sanitation upang masiguro na ligtas sa naturang sakit.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Maliban pa rito, panatilihin lagi ang social distancing upang maiwasan ang local transmission o pagkakahawa sa sakit.

Payo ng opisyal, kung sakali man na mayroong nararanasang hindi maganda sa sarili o at nakakaramdam ng sintomas ng Covid-19, kailangan ng magpakonsulta agad sa doctor.