Sasakyan, nahulog sa bangin; dalawang pasahero, ligtas!

Nahulog sa bangin ng Malico, Pangasinan ang isang sasakyan kahapon, ika-17 ng Hunyo.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, bandang alas-sais ng umaga kahapon nangyari ang insidente habang binabaybay ng drayber ng sasakyan ang Vila Verde Road.

Ayon naman sa San Nicolas MDRRMO na siyang rumesponde sa insidente, halos 100 meters ang lalim ng kinahulugan ng sasakyan kung saan agaran naman silang rumesponde kaya naisugod kaagad sa pagamutan ang dalawang sakay nito.

Napag-alaman naman na ang dalawang sakay ng nahulog na sasakyan ay pawang residente ng Santiago City at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan.

Samantala, magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *