Gov ng Quirino Province, nanguna sa evaluation of performance sa buong Lambak-Cagayan

Nakuha ni Quirino Province Governor Carlo “Dax” Cua ang ang pinakamataas na rating sa Comprehensive evaluation of performance sa buong lambak ng Cagaya para sa unang quarter ng taon.

Ito ay base sa independent at non-commissioned national survey na “Boses ng Bayan” na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc.

Sa datos, nakakuha ng 93.2% na job performance rating ang Gobernador ng Quirino, na sinundan naman ni Isabela Governor Rodito Albano na mayroong 87.4%; habang pangatlo sa listahan si Batanes Governor Marilou Cayco na nakapagtala naman ng 85.6%.

Kaugnay nito, nakuha naman ni Nueva Vizcaya Jing Gambito ang ika-apat na pwesto na mayroong 82.9% rate, at pang-huli naman si Cagayan Province Governor Manuel Mamba na nakakuha ng 77.1%.

Nilahukan naman ng nasa 10,000 adult participants ang naturang survey na isinagawa noong ika-18 hanggang 24 ng Marso taong kasalukuyan.

Samantala, ang evaluation framework ng RPMD ay sumusuri sa maraming mga parameters upang makuha ang overall assessment kabilang na rito ang adherence to legal and ethical standards. Strategic vision and planning, financial stewardship, economic and social initiatives, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *