Ika-60th araw ng Ramon, ipinagdiriwang; special non-working holiday, ipinatupad

Ipinagdiriwang ngayong araw, ika-18 ng Hunyo ang ika-60th Araw ng Ramon kung saan idineklara rin ni Municipal Mayor Jesus Laddaran ang araw na ito bilang special non-working holiday.

Ito ay upang bigyan ng oportunidad ang mga empleyado ng pamahalaan na makibahagi sa selebrasyon ng Araw ng Ramon, at Tilapia Festival.

Ngayong araw naman nakatakda ang Float Parade, at Final Judging ng mga Barangay Booths.

Gayundin ang Ihawan sa Barangay, Raffle Draw, at ang awarding ng 10 most outstanding Ramonian.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Tilapia Festival – Araw ng Ramon noong ika-14 ng Hunyo na matatapos naman ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *