Sarah Lahbati, diretsahang inaming single na

Diretsahan nang inamin ni Sarah Lahbati na single na siya ngayon at opisyal na silang hiwalay ng kanyang dating asawa na si Richard Gutierrez.

Read More:  The Pod Network terminates ‘Machong Chismisan’ podcast contract ‘effective immediately’

Ayon kay Sarah, wala na siyang maitatago dahil malinaw naman na sa lahat na pareho na silang single.

Maalalang noong Martes lang, ibinunyag rin ng aktres na hindi na sila nag-uusap ni Richard dahil hindi na rin sila magkasama sa bahay.

Read More:  Jane de Leon, Louise delos Reyes turn heads with stunning new looks

Hindi man ito ang buhay na pinangarap ni Sarah, titiyakin daw nila ni Richard na mananatili silang mabuting magulang para sa dalawa nilang anak.