Sara Duterte’s spox – Mandatory ROTC? ‘Di pa tinatalakay ‘yan.. sa ngayon’

Mariing pinabulaanan ng kampo ni Mayor Sara Duterte ang mga ulat na ipatutupad nito ang sapilitang pagsapi sa Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa oras na siya ay italaga na bilang susunod na kalihim ng Department of Education.

Ito ay makaraang sabihin ni Atty Bruce Rivera na ibabalik daw ni Duterte ang mandatory ROTC sa mga estudyante.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Liloan Mayor Christina Fasco, wala pang opisyal na pag-usap mula sa DepEd hinggil sa mga magiging plano ni Duterte pagdating sa usapin sa ROTC.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ginagalang umano ng alkalde ang tamang transition sa Gabinete kaya kung mayroon mang mga usapin hinggil sa pagbabalik ng mandatory military training ay tatalakayin ito sa oras na siya ay iproklama na.

Matatandaan nitong Enero, sinabi na rin ni Sara Duterte na ibabalik nito ang mandatory military service sa lahat ng mga Pilipinong edad 18.
#