Nakatakdang makatanggap ng cash benefit mula sa Gobyerno ang mga atletang susungkit ng mga medalya sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Vietnam.
Ayon kay Senador Sonny Angara, ang may akda ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang sino mang makapag-uuwi ng gold medal ay makatatanggap ng P300,000 each; habang mayroon namang P150,000 para sa mga silver medalists; at P60,000 para sa mga bronze medalists.
Samantala, nagpa-abot na rin ng pagbati si Angara sa mga atletang una nang nakapag-uwi ng medalya para sa Pilipinas.
Mababatid na nakuha na ng Pilipinas ang kauna-unahan nitong gold matapos lampasuhin ni Mary Francine Padios ang kalaban nito sa Pencak Silat women artistic singles finals.

Umaasa si Angara na mahihigitan pa ng team Pilipinas ang iniuwi nitong mga medalya noong 2019 SEA games.
Sa ngayon, pang-apat na ang Pilipinas sa over-all ranking ng 31st SEA Games matapos makapag-uwi ng 1 gold medal; 5 silver; at 7 bronze.
#