Nagdomina si Davao City Mayor Sara Duterte mula sa kaniyang mga karibal sa 2022 vice presidential race para sa ikalawang sunod na pre-election Pulse Asia survey.
Umiskor si Duterte ng 53% na malayo sa 24% na naitala ng pinakamalapit niyang karibal na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Mas higit rin ito kumpara sa 50% na naitala ni Sara sa dating survey habang bumaba naman si Sotto mula sa 29%.
Samantala, nasa ikatlong pwesto naman si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na nagtala ng 11% na walang pinagbago sa dati niyang rating.
Umiskor naman si Dr. Willie Ong ng 6% habang nagtala naman ng 1% si Deputy Speaker Joselito Atienza.
Ang nasabing Pulse Asia survey mula February 18-22 ay ang kauna-unahan na ginawa mula nang mag-umpisa ang campaign period ng national candidates noong February 8.
