DOE, nakikita na magpapatuloy ang double-digit fuel price hike

Nakikita ng Department of Energy (DOE) na magpapatuloy ang double-digit fuel price hike sa mga susunod na linggo, sa kabila na naglaan ang gobyerno ng pondo bilang subsidiya para sa mga apektadong sektor.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nakipagpulong na sila sa industry players at hiniling ang staggard increase sa mga presyo, pero hindi umano sila receptive para dito.

Read More:  DA urges Filipinos to stop wasting rice as PhilRice says 10.85 million sacks are wasted yearly

Sa katunayan, inilabas rin sa kanila ng naturang industriya ang kanilang problema dahil ang kanilang replacement inventory na kailangang bilhin ay mataas rin ang presyo.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Dahil umano dito, humihiling ang mga ito ng pinansyal na tulong sa gobyerno

Sinabi ni Cusi na makikipagpulong sila kay Pangulong Rodrigo Duterte, at ilang economic managers, kasama ang mga ahensya ng gobyerno para talakayin ang naturang isyu.