PNP, kumpiyansang buhay pa ang nawawalang beauty queen sa Batangas

Kumpiyansa ang Philippine National Police na buhay pa ang nawawalang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 na si Catherine Camilon.

Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director PBGen Paul Kenneth Lucas, inatasan na niya ang provincial director ng Batangas na laliman pa ang imbestigasyon sa pagkawala ni Catherine.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nagsagawa na rin ng back tracking sa mga CCTV footage sa mga lugar na napaulat na pinuntahan ng kandidata.

Ipinag-utos na rin ni BGen. Lucas ang pag-activate ng “Regional Committee on Missing Persons.”

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ang komite ay pamumunuan ni PRO4A Deputy RD for Operations PCol Roel Rodolfo kung saan tututukan ang centralized coordination sa iba pang police units para sa mga impormasyon, at mga stratehiya sa paghahanap sa kinaroroonan ni Camilon.