Sapat na suplay ng insecticide kontra dengue tiniyak ng PHO

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Provincial Health Office (PHO) na mayroon itong sapat na suplay ng insecticide para sirain ang mga pinamumugaran ng lamok.

Sa gitna yan ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Camarines Norte na umabot na ngayon sa 144 batay sa pinakahuling datos ng PHO mula Enero hanggang Hulyo 22.

Ayon kay Benjamin Palma, Dengue Provincial Program Coordinator ng PHO, hindi niya ipagkakait ang mga insecticide at handa umano siyang bigyan ang iba’t- ibang munisipyo kung kakailanganin basta regular na magsagawa ng clean- up drive.

Nais din ni Palma na simulan ang maigting na kampanya kontra dengue sa loob mismo ng CNPH.

Aniya batid nilang lahat na kahit health worker at nagtatrabaho sa loob ng ospital ay hindi immune sa dengue.

“I have an ample supplies of insecticide, hindi ko yun pagkakait sainyo, ibibigay ko yun sainyo provided na maglilinis kayo kasi bakit, pag napatay natin yung lamok, yes namatay yung may dalang dengue then after that, 3- 5 days meron na namang bago, it will not destroy their breeding places, so simulat natin din, panawagan ko sa mga cleaners sa hospital, simulan din natin dito sa ating ospital, yung mga  sa stagnant water, then we can apply insecticide pero controlled na, lagi kasi yun yung laging gustong solusyon eh,” ani Palma.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Batid din umano nito na kakailanganin ang mga insecticide lalo na sa mga on going infrastructure projects na hindi pa tapos tulad ng drainage system.

Kinalampag din ni Palma ang mga opisyal ng Barangay at pinayuhang magsagawa ng regular na malawakang clean- up drive kahit man lang isang beses sa isang linggo.

Aniya, wala nang pinakamabisang panlaban sa dengue ay ang kalinisan ng paligid at huwag iasa sa pagaait ng insecticide.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

“This is a challenge, we have to mobilize our community to do, sabihin nating weekly kung maaari lang, weekly na clean- up drive and search and destroy operations sa breeding places ng lamok.”

“Actually I told or advice my sanitation inspector, because they are also the municipal coordinators of mosquito borne- diseases program, i- meeting yung lahat ng mga sabihin nating barangay officials kasi pag nai- mobilze natin ang komunidad, that is the time magpalalabanan natin to, so magsagawa ng clean- up drive, you can do that with your barangay officials, you can  suggest that this is the best thing to do, yung prevention, yung paglilinis, yung search ang destroy ng breeding places.

Ipinapayo rin ng Department of Health na para  maiwasan ang Dengue ay gawin ang 4S strategy na Search and destroy mosquito breeding sites, use Self-Protection Measures, Seek early consultation, and Say yes to fogging kung mayroong impending outbreak o hotspot sa isang lugar.