CAMARINES NORTE- Tiniyak ng National Food Authority o NFA sa Camarines Norte na sapat ang suplay ng bigas ngayong panahon ng tag ulan at bagyo.
Ito ay kung kakailanganin ng mga Lokal na Pamahalaan na magpatupad ng pre- emptive at force evacuation sa kanilang mga residente.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Marlon Mateum, Provincial Senior Quality Assurance Officer at Acting Warehouse Supervisor sinabi nito na sapat ang stocks ng NFA na ngayon ay mayroong 3, 500 bags.
Dahil naman sa bagyong Odette ay patuloy umano ang pagkuha ng bigas ng Provincial Government, LGU Basud at Labo gayundin ang Barangay LGUs.
Kumpiyansa rin ang NFA na hindi kakapusin ng suplay ng bigas ang mga LGU dahil bago pa man magbagyo ay mayroon na ang mga itong buffer stocks.
“Enough naman yan kasi meron na rin silang mga ano eh, matagal nang kumuha yung mga LGU’s nakapag buffer stock na sila kasi yun naman ang iniiwasan nila, hindi nila inaantay na magkaroon na ng bagyo bag pa sila kumuha,” ani Mateum.
Mayroon umanong existing Memorandum of Agreement (MOA) ang NFA sa mga LGU kaya madali ang mga itong maka- purchase order kalakip ng mga kinakailangang dokumento.
Stable din aniya ang suplay ng bigas sa buong bansa kaya kung kinakaliangan ay maaaring kumuha sa ibang rehiyon.
“Huwag po silang mag alala kasi sufficient naman po yung stocks at saka sa ngayon continuous po yung milling ng NFA, may mga stocks po tayo ng palay dun sa NFA Cam Sur na ngayon continuously nagigiling, so walang problema tapos ang ano naman nationwide is stable naman yung suplay ng bigas so pag nagangailangan kumukuha sa ibang region, yun naman talaga ang strategy ng NFA.”
