Curry pinalitan si Ray Allen bilang all-time three-point king

Binasag ni Golden State Warriors superstar Stephen Curry ang all time 3-point scoring record na hawak ni NBA legend Ray Allen.

Unang natumbasan ni Curry ang 2,973 three-pointers ni Allen sa 10:50 minute mark sa first quarter ng laban ng Warriors vs New York Knicks.

Subalit ilang minuto lang ang lumipas ay naibuslo ni Curry ang 2,974th 3-point shot at lampasan ang isang dekadang paghahari sa 3-point list ni Allen.

Agad naman nagpadala ng pagbati si NBA commissioner Adam Silver si Curry para sa kanyang historic night.

Personal din sinaksihan ni Allen ang pagbagsag sa kanyang record at agad na binati ang 2x MVP sa loob ng Madison Square Garden.