BNFM BICOL—Nasa 24 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19sa islang lalawigan ng Catanduanes.
Batay ito sa pinaka latest na datus na inilabas ng Provincial Health Office kahapon, December 14, 2021.
Ayon sa tala ng nasabing tanggapan, pumalo na sa 2,759 ang mga naitalang kumpirmadong kaso ng sakit sa lalawigan matapos na madagdagan ng dalawang panibagong kaso kahapon, na pawang mula sa bayan ng Caramoran.
Isa naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling kung kaya’t umabot na sa 2,616 ang COVID-19 recoveries sa isla.
Samantala, isang kaso naman ng pagkasawi ang naitala rin kahapon kaya’t sa kabuuan ay pumalo na sa 124 ang COVID-19 fatalities sa Catanduanes.
Sa ngayon, ang mga bayan ng Virac at Pandan ang pinakamaraming nananatiling aktibong kaso ng sakit sa buong lalawigan na pawang may pitong kaso; lima sa bayan ng Gigmoto; tig-dalawa ang Viga at Caramoran habang isa naman sa bayan ng Bato.
Patuloy pa rin ang paalala ng PHO sa mga residente ng lalawigan na matamang sundin ang mga umiiral na health protocols at makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan upang mabigyan ng proteksyon ang sarili at ang pamilya laban sa nakamamatay na virus.###