Sanhi ng sunog sa Manila Central Post Office, tukoy na

Accidental in nature ang tinukoy na sanhi ng sunog sa Manila Central Post Office.

Sa isang panayam, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.,  na base sa resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa basement ng gusali kung saan ginawa na itong imbakan.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Mayroon umanong baterya ng sasakyan na nakaimbak sa basement.

Dahil nailabas na ang resulta ng imbestigasyon, hihintayin aniya nila ang magiging atas ng Presidente  para sa muling pagsasaayos ng natupok na gusali.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Nauna nang  ipinag-utos ni Abalos sa BFP ang mabilisang imbestigasyon ng sunog upang malaman ang puno at dulo ng pinagsimulan ng apoy na tumupok sa isa sa national historical landmark ng bansa.//CA