CAMARINES NORTE- Nakatakda na ring i-demolish ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang taon nang Mercedes-Daet boundary marker sa June 14 ng taong kasalukuyan isang araw pagkatapos ng kapistalan ng bayan ng Mercedes.
Batay sa sulat ni Sub- District Engineering Office, OIC District Engineer Guilbert Romero kay Mayor Alexander Pajarillo na isinapubliko ng Mercedes Municipal Information Office nitong Lunes, June 5, gagawin ang demolisyon sa nabanggit na petsa mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.
Dahil dito nag-abiso ang DPWH na epektibo sa nabanggit na petsa at oras ay pansamantalang isasara sa lahat ng uri ng sasakyan ang kalsada patungong Mercedes.
Batay sa travel advisory ng ahensiya pinapayuhan ang mga motorista na dadaan sa naturang bahagi ng kalsada na gamitin ang alternatibong ruta o ang President Cory Aquino Boulevard (Bagasbas Blvd Mercedes section).
Ang gagawing demolisyon ay alinsunod sa Department Order No. 73 series of 2014 (“Prohibited Uses Withiin the Rigth-of-Way of National Road) ng naturang ahensya.
Hiniling rin ni DE Romero kay Mayor Pajarillo ang tulong ng Mercedes Municipal Police Station at local traffic management team sa pagsasagawa ng demolisyon.
Bago ang nakatakdang pagiba sa Merdedes-Daet boundary marker ay uunahin ang Daet-Basud at Daet-Talisay na gagawin naman sa June 13.
Ito ay sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng Lokal na Pamahalaan.
