Sinampahan ng kasong graft at usurpation of authority sa Ombudsman kahapon si Senior Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban dahil ito sa sugar smuggling fiasco noong Pebrero.
Sa reklamo ng National Congress of Unions in the Sugar Industry Agrarian Reform Beneficiaries’ Council at Alternatiba ng Masa Partylist, pinayagan umano ni Panganiban ang pag-aangkat ng asukal ng walang official authority.

Nasa 260 by 20 feet containers na naglalaman ng asukal ang dumaong na sa Batangas port na wala umanong import permit na sinasabing pagmamay-ari ng All Asian Countertrade, Inc.
Gayunman, nag isyu umano ng kontrobersyal na Sugar Order No. 6 si Panganiban na nagsilbing lunas sa kakulangan ng permit ng importasyon.
Iginiit ng mga complainant na nagdulot na matinding pagkalugi sa mga local farmers ang pagbaha ng imported na asukal sa merkado.//CA