Sangkot sa paggawa at pagpapakalat ng deep fake video ni PBBM, pinaghahanap ng DICT at NBI

Nakikipag-ugnayan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin ang mga indibidwal na nasa likod ng “deepfake” video ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagbabala si National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na maaaring gamitin ang video upang guluhin ang mga isyu sa West Philippine Sea, tulad ng sinasabing “gentleman’s agreement” sa Ayungin Shoal.

Maalalang finlag ng Presidential Communications Office (PCO) ang isang manipuladong video na kumakalat online na nagtatampok ng pekeng audio na ginagaya si Pangulong Marcos at nag-uutos sa militar na kumilos laban sa isang bansa.

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, ito ang unang pagkakataon na gamitin ang boses ng pangulo para gumawa ng isang policy statement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *