Sangguniang Panlungsod kinalampag ang Soreco Dos dahil sa patay-sindi na kuryente

SORSOGON CITY – Pinagpapaliwanag ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang pamunuan ng Soreco Dos Electric Cooperative (SORECO II) matapos ireklamo ng mga mamamayan ng lungsod ang halos isang linggong patay-sindi na kuryente.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

 Ang pag-fluctuate ng kuryente ay nakapagtala na ng perwisyo lalo na sa mga kasangkapan ng ilang member consumers.

Sa ginanap na regular session, muling binuksan ang usapin sa hindi magandang serbisyo ng nasabing kooperatiba kung saan ayon sa ilang konsehal, hindi dapat masanay na lamang ang mga mamamayan sa ganitong sistema lalo na ngayong magpapasko at nakakapagtala pa ng sama ng panahon.

Read More:  Two dead after motorcycle collides with carabao in Negros Occidental