Naiulat ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas na meron isang indibidwal sa kanilang lungsod ang natabunan ng debris sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Sinabi ni Matugas na bineberipika pa nila ang insidente, ngunit sa ngayon ay wala pa silang maayos na komunikasyon.
Sa ngayon ay hindi pa makumpirma ni Matugas kung ilan lahat ang casualties sa kanilang lungsod.
Pero sa ngayon ay nakatitiyak ang alkalde na marami na silang nasagip na residente.
Ipinunto naman ng Matugas na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapaghandaan ang bagyo.
