Alkalde ng Surigao City, iginiit na 100-percent damaged ang kanilang lungsod mula sa bagyong Odette

Naniniwala si Surigao City Mayor Ernesto Matugas na posibleng nasa isang-daang porsyento na ang pinsalang tinamo ng kanilang lungsod mula sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Dahil dito ay umapela ng tulong si Matugas mula sa national agencies para sa kaniyang constituents.

Read More:  House leader questions OVP ‘petty cash’ confidential fund handling

Ipinunto niya na kailangan nila ng relief goods at tulong para sa clearing operations at pagpapanumbalik ng essential utilities sa lungsod.

Ibinahagi rin ni Matugas na maraming gusali ang nawalan ng bubong, habang naharangan rin ang access sa ilang daanan dahil sa landslide.

Read More:  Marcos urges Filipinos to protect democracy on Ninoy Aquino Day

Sa ngayon ay sinabi ng alkalde na magsasagawa muna sila ng clearing operations sa mga daanan upang makapasok sa kanilang mga lugar ang mga supplies at equipment.