Malaki umano ang ginagampanang papel ng mga Sangguniang Kabataan (SK) at Local Youth Development Officers (LDYO) sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ito ang binigyang diin ni DILG Provincial Director Melody Relucio sa kaniyang mensahe sa ika- 36 na taong anibersaryo ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) na ginanap sa isang hotel dito sa bayan ng Daet noong nakatalikod na linggo.
Ani Relucio, ang SK at mga LYDO ang “prime movers” ng mga kabataan kaya malaki ang magagawa ng mga ito lalo na sa aspeto ng drug prevention.
Sa naturang pagtitipon ay nagsalita rin ang mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siya namang nagbahagi ng Drug Situation sa probinsiya. Sa Revitalized Pulis Sa Barangay Program (RPSB) naman sumentro ang paksang tinalakay ng Philippine National Police at mayroon ding inimbitahang Guidance Counselor na ang paksa naman ay nakasentro sa Self-care and Personal Development; Understanding Interpersonal Skills and Conflict Resolution at Strengthening Family Resilience against Drug Abuse.
