LEGAZPI CITY – Isinagawa sa lungsod ng Legazpi ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Mid-Year Program Review and Evaluation (PREW) Workshop sa lungsod ng Legazpi nito lamang nakaraang linggo.
Layunin ng nasabing aktibidad na ma-review at ma-assess kung maayos at epektibo bang naipatutupad ang ilang mga programa at serbisyo ng nasabing opisina simula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.
Kasama rin sa mga tinalakay ang 5-year Provincial Development Investment Plan (PDIP) ng PSWDO na dinaluhan naman ng ilang mga opisyal ng lalawigan kabilang na bagong Chairperson ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Family, Women, Children at GAD, kasama ang mga tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD FO V).