Sangguniang Bayan Members ng Mercedes isinailalim sa orientation ng DILG patungkol sa kanilang mga responsibilidad

CAMARINES NORTE- Isinailalim sa orientation ng Department of the Interior and Local Government ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa pangunguna ni Vice Mayor Jeana Yapyuco.

Si Local Government Operations Officer VII Jerwin Novio, Cluster Head ng DILG Camarines Norte ang nagsilbing resource person sa ginawang orientation.

Dito ay ipinaliwanag ni Novio ang papel na ginagampanan at responsibilidad ng mga ito at ang tungkol sa legislation and parliamentary procedures.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay Novio ang SB Mercedes pa lang sa ngayon ang nag- request ng orientation.

Apat sa mga miyembro ng SB Mercedes ay baguhan at ngayon pa lamang sasabak sa legislative duty, isang nagbabalik serbisyo at tatlong re- elected.

Si VM Yapyuco ay re- elected sa kaniyang ikalawang termino.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon kay Novio, hindi naman mandatory  ang mga ganitong orientation pero hinihimok na dumalo  lalo na ang mga first termer.

Mayroon ding mga isasagawang training at seminar ang DILG sa pamamagitan ng Local Government Academy (LGA) sa ilalim ng Newly Elected Officials (NEO) program.

Ang NEO program ay para sa lahat mula Gobernador pababa hanggang sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan.