Sandro Muhlach, pormal nang nagsampa ng kaso laban sa dalawang contractor ng isang TV network

Dumulog na sa National Bureau of Investigation ang aktor na si Sandor Muhlach para maghain ng reklamo kaugnay sa umano’y pangha-harass sa kanya ng dalawa independent contractor ng isang TV network.

Nauna ng naghain ng pormal complaint si Sandro sa naturang TV network.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Ayon sa TV network nagsasagawa na sila ng imbetsigasyon hinggil sa nasabing isyu bilang paggalang sa hiling ni Sandro.

Ilang araw ng usap-usapan sa online ang isyu ng umanoy pang ha-harass kay Sandro ng dalawang independent contractor ng nasabing TV network kasunod ng nangyaring event sa Pasay noong nakaraang buwan.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Giit naman ng mga inaakusahan na nalunlungkot sila sa mga seryosong alegasyong na kumakalat sa online.

Handa naman aniya silang tumugon sa mga proper forum at kapag natanggap na nila ang kopya ng pormal na reklamo.