Nesthy Petecio pasok na sa quarterfinals sa Paris Olympics Games 2024

Pasok na ang Pambato ng Pilipinas sa quarterfinals sa Paris Olympics 2024 Women’s 57kgs Boxing division na si Nesthy Petecio.

Ito ay matapos niyang talunin ang pambato ng France na si Amina Zidani via majority decision sa kanilang Round of 16 match.

Natalo man ang Tokyo silver medalist sa unang round bumawi naman si Petecio sa mga sunod na round.

Aminado naman si Petecio, na nahirapan siya sa laban kaya may mga plano silang ipinagana sa last round para manalo sa laban.