Kauna-unahang titanium heart transplant matagumpay na naikabit sa 57-anyos na lalaki sa Texas

Matagumpay ang naging operasyon ng Texas Heart Institute  sa kauna-unahang titanium heart transplant sa buong mundo.

Ang operasyon ay isinagawa sa isang 57-anyos na lalaki na may end-stage heart failure.

Ayon sa report may artificial blood pump ang titanum heart na gumagamit ng magnetic levitation technology na katulad ng tren upang makapag-circulate ng dugo.

Mayroon lamang itong solong gumagalaw na bahagi – ang magnetically suspended dual-sided rotor.

Ang trial na ito ay bahagi ng Early Feasibility Study ng US Food and Drug Administration para sa mga naghihintay ng heart transplant.