Double celebration para kina beauty queen Sandra Lemonon at basketball player Sol Mercado, dahil maliban sa pagiging engaged na nila, ay magkaka-baby na rin ang dalawa.
Inanunyo ni Sandra ang masayang update, isang araw matapos ianunsyo ang kanilang engagement.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Lemonon ang short video kung saan makikita ang baby bump nito habang naka-white dress sa beach.
Ang engagement ng dalawa ay matapos ang limang buwan nang ibunyag nila ang kanilang relasyon noong September 2021.

Matatandaan na si Sandra ay sumali sa Miss Universe Philippines 2020, na nagtapos sa Top 16 candidates, habang si Sol naman na huling naglaro para sa NorthPort Batang Pier sa PBA noong 2019, ay isang three-time PBA champion at two-time PBA All-Star.